bulalakaw



nakukutuban mo ba tuwing
hahawiin ang kurtina para
sumilip, sumilay
kung nasa tapat ng inyong
bahay ang iyong motorsiklo?

kung hindi, bakit di mahuli
ang iyong pagkukumpuni
o pagdating at
paglisan? pati anino mo'y
pinagmamaramot ng sadya

daig mo pa ang bulalakaw
sa bilis ng pagiwas sa mga
matang uhaw
na walang sininta kung di
ang langit na para sa iba

.

2 comments:

Domeng Zu 12/25/09, 7:58 PM  

Isa pa ito!!!!!!!!!!!!!!! Ang ganda ng linyang...."Ang langit na para sa iba."

Menggay Vanderbilt 1/2/10, 5:22 AM  

As Madonna said, rejection is the greatest aphrodisiac :D

Post a Comment

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP